Parang may kulang... parang may hinahanap pa ako.
Before sabi ko gusto ko matry maging independent, ako bahala sa titirahan ko, sa pagkain ko, sa bills ko, sa mga pangangailangan ko. Yung adventure na nararamdaman ko sa puso ko, yung sobrang kagustuhan kong mas maging adventurous pa eh sobrang tindi, currently 9 months na akong independent, it adds fuel to the fire I'm feeling inside, it keeps telling me na may kulang pa, nararamdaman ko talaga may hindi pa rin ako nagagawa, yung pakiramdam na kahit namumuhay ako independently, meron pa rin akong nararamdaman sa puso ko na 'may kulang pa, may gusto ka akong gawin' ganyan. May hinahanap pa yung sarili ko, nararamdaman kong may gusto pa akong gawin, puntahan, marating at kung anu-ano pa. At yung pakiramdam kong ganyan ang dumadagdag sa pag ka excite ko sa bawat araw.
Gusto ko pa mas maging independent.
I AM FREE OF THE PAST
"What you need to know about the past is that no matter what has happened, it has all worked together to bring you to this very moment. And this is the moment you can choose to make everything new. Right now." -unknown
Wednesday, September 23, 2015
Friday, September 18, 2015
18 Sep 2015 - Gone are the days...
Tapos na ako sa mga panahong kada kailangan mo ng tulong, nandiyan agad ako.
Tapos na ako sa mga panahong kada kailangan mo ng kasagutan sa mga katanungan mo ay may isasagot agad ako.
Hindi naman sa nag dadamot ako, napagod lang siguro ako na sa tuwing ako ang nangangailangan ng mga ganyan, wala akong naaasahan sa'yo.
Nakakapagod yung mga taong katulad mo, pag ikaw ang may kailangan ng kahit ano eh nandiyan agad ako, pero pag ako na nangailangan eh dedma ka lang. Mula ngayon, I'll treat everyone how they treat me. Pantay pantay na lang.
Thursday, September 10, 2015
10 Sep 2015 - Kwento mo sa pagong! gunggong!
Current mood: medyo naiirita...
Well, naiinis lang talaga ako sa mga taong pabida-bida, yung mga taong "know-it-all", yung mga taong masyadong magagaling, ang galing galing, walang kasing galing. Hmmmm!!! Naiinis ako sa mga taong sinungaling, like what?! Bakit mo kailangan mag sinungaling? Bakit paiba-iba ang kwento mo? Grabe gusto ko sungalngalin yung mga ganyang tao.
Ako yung tao na sige lang mag kwento ka lang, isipin mo nalang naniniwala ako. Ganyan ako, lalo na pag alam ko namang nag sisinungaling ka. Nakakapanggigil ng kalamnan yung mga ganyang tao.
Hindi ko alam anong meron sa mga taong puro pantasya ang nasa isip, puro pabida, kung bakit kailangan nila gawin yung mga ganyang bagay, bakit kailangan mag sinungaling at gumawa ng kwento? Ano bang binibida mo sa buhay? nakakapanggalaiti lang talaga, pati mga taong mahilig mag hugas kamay. Lakas niyo maka punyeta!!! Sana makahanap ka ng taong makakasalamuha mo na kasing ugali mo.

Monday, September 7, 2015
08 Sep 2015 - Active Now
"Active Now"
Nakakasanayan ko na, na everytime mag o-open ako ng Facebook ko, chatbox agad ang titingnan ko para malaman kung online ka. Ewan ko ba, pero nakakaramdam ako ng lungkot kapag hindi ko nakikita ang pangalan mo sa mga online. Tapos iche-check ko na kung kelan or ilang oras or minuto nung last online mo, kung may bago ka bang post, tapos bibisitahin ko Instagram mo para i-check kung may post ka or may nilike ka. Halos paulit-ulit ko na rin tinitingnan mga pictures mo sa Instagram. Memorize ko na nga mga pictures mo eh, bawat ngiti mo.
Pero everytime naman makikita kong online ka, abot tenga ang ngiti ko. gustong-gusto kita i-chat kaso pinipigilan ko sarili ko kasi hindi ko alam kung anong topic ang ioopen ko para magkachat tayo, yung may palitan ng messages. Gusto kita makausap ng matagal, gusto kita makakwentuhan, ang daming mga bagay at kwento ang gusto kong ishare sa'yo, mga lugar na napuntahan ko, mga lugar na gusto kong puntahan na hinihiling kong sana makasama kita doon. Gusto ko malaman yung mga bagay na hilig mo, mga nasa isip mo. Haaaaayyyy kung sana lang talaga.

07 Sep 2015 - Paano nga ba uli?
Current mood: halo-halong nararamdaman.
Pero mas nangingibabaw ngayon yung tanong na 'ano nga ba uli ang pakiramdam ng in love?', hindi ko na ata matandaan, pero bakit ko nga ba naitatanong ito ngayon? Nalulungkot ba ako? Malungkot nga ba ako? Well, masaya naman ako, single life, sarili ko iniisip ko, pero dumarating ako sa puntong iba siguro pag may espesyal akong kasama, sa bawat travel, sa bawat lakad at sa kung anu-ano pa.
Masaya nga siguro kung meron, 4 years of being single. Hala! Hindi pa ba ako gagraduate sa pagiging single? sana merong taong kayang sumakay sa bawat kabaliwan ko, sa mga adventures na gusto ko, sa mga travel na gagawin, yung taong magiging espesyal sakin at ganun din ako sa kanya.
In time, I know darating din. Pero kailan??? Haha

Sunday, September 6, 2015
06 Sep 2015
Hi there!
so first time ko ito. Haha. What's on my mind nga ba? Ah ewan. current mood, wala lang. Nung mga nakaraang araw ang dami ko sana gusto i-share kaso wala pa ako nitong blog. So siguro sa mga susunod na araw makakapag share na ako. Hehe
Reason why I created this? Because I find Facebook too mainstream to share my thoughts, and masyado maikli naipopost pag Twitter.

Subscribe to:
Posts (Atom)