(Year 2013)
Current mood: Excited na parang nalulungkot?
Well, nung bata pa lang ako isa na sa pangarap ko ang maging artista. Maging singer, umacting, sumayaw at lahat ng ginagawa ng mga artista sa harap ng camera. But then medyo nawala yung galing ko sa pagkanta nung nag highschool na ako, nag iba boses ko, hindi ko na kaya yung matataas na kanta, pumipiyok na ako and nawalan na ng practice.
(Year 2007)
(Year 2007)
Sobrang yan talaga yung pinakamatinding pinangarap ko, nag o-audition ako at pumipila ng napakahaba at napaka tagal makapag audition lang. College days, patuloy ko pa rin siyang pinapangarap at pinagdadasal na sana matupad na. Gustong gusto ko kasi talaga. Then nag try din ako sa isang show sa Studio 23, ang name ng TV show eh 'Rush TV atin 'to', I was a student photographer kuno, taking pictures of models, then a little bit of interview interview sakin kunwari kung anong masasabi ko hahaha nakakahiya na nakakatawa lang ako sa episode na yan.
I started working at the age of 18, January 2010 nung nag simula ako sa isang company, habang nag tatrabaho, hindi pa rin nawala yung pag ka gusto kong mag artista.
(Year 2009)
(Year 2009)
(Year 2010)
(Year 2010)
Nag try din ako mag go-see for a photoshoot, kailangan chinese looking daw, alam kong hindi ako mukhang chinese pero nag try pa rin ako. Isa naman ako sa mga na pili pero ewan ko kung ano nangyari after nun hahaha.
(Year 2010, The go-see)
Nag extra din ako sa isang episode ng 'Maynila' ng GMA, extra. Masaya, oo sobrang saya ko, alam ko kasi na ito yung gusto ko.
(Year 2011)
(Year 2011)
Kaso naging busy ako sa talagang trabaho ko, unti-unti nawala yung apoy sa pangarap kong maging artista, nawalan ng pag-asa, na-isip ko din kasi na hindi naman ako mukhang artistahin, hindi ako ganun ka-guapo na mapapansin ng mga tao sa paligid, bumaba yung tingin ko sa sarili ko actually when it comes diyan sa pangarap kong pag aartista.
(Year 2012)
Mahilig ako mag pa-photoshoot (thanks kay Ate Pam, college friend, siya yung nag take niyang mga pictures ko except yung year 2007). Dumating ako sa puntong hindi na ako ganoon kainteresado sa pag aartista or pag momodelo. Na parang naiisip ko na ilusyon ko lang naman yan at hindi ko naman ata matutupad yan.
(Year 2013)
Pero nitong umuwi ako ng Manila last week, biglang nabuhay uli yung apoy ng pangarap kong yan, mas matindi, mas nag liliyab, sabi ko sa sarili ko na ito talaga yung gusto kong gawin, gusto ko maging artista, gusto ko maging katulad nung mga artistang napapanood ko sa TV/movies, alam ko hindi madali, alam ko magulo, alam ko pati mga nakaraan ko hahalungkatin kung saka-sakaling magiging celebrity ako. Pero sabi ko kakayanin ko, ito kasi talaga yung gusto kong gawin eh. Sa ngayon napapaisip na rin ako mag resign sa pinag tatrabahuhan ko para ipagpatuloy itong pangarap kong ito, alam kong hindi madali at hindi ito basta-basta lang pero gusto ko mag focus dito. Gusto ko kumanta, sumayaw, umacting... Sa ngayon hindi naman ako naghahangad na maging sikat na celebrity, gusto ko lang yung tamang celebrity lang kahit hindi main cast/character, kahit mga cameo, or commercials or sa music video eh ayos ako dun. Basta gusto ko lang eh kahit papaano eh maramdaman kong natutupad yung pangarap kong ito.
(Year 2013)
(Year 2013)
Pinag darasal ko pa rin na sana matupad itong pangarap kong ito. Gusto ko mag focus sa pangarap kong ito.
No comments:
Post a Comment