Monday, October 12, 2015

12 Oct 2015 - The fire is burning again

(Year 2013)

Current mood: Excited na parang nalulungkot?

Well, nung bata pa lang ako isa na sa pangarap ko ang maging artista. Maging singer, umacting, sumayaw at lahat ng ginagawa ng mga artista sa harap ng camera. But then medyo nawala yung galing ko sa pagkanta nung nag highschool na ako, nag iba boses ko, hindi ko na kaya yung matataas na kanta, pumipiyok na ako and nawalan na ng practice.

(Year 2007)

(Year 2007)

Sobrang yan talaga yung pinakamatinding pinangarap ko, nag o-audition ako at pumipila ng napakahaba at napaka tagal makapag audition lang. College days, patuloy ko pa rin siyang pinapangarap at pinagdadasal na sana matupad na. Gustong gusto ko kasi talaga. Then nag try din ako sa isang show sa Studio 23, ang name ng TV show eh 'Rush TV atin 'to', I was a student photographer kuno, taking pictures of models, then a little bit of interview interview sakin kunwari kung anong masasabi ko hahaha nakakahiya na nakakatawa lang ako sa episode na yan.

I started working at the age of 18, January 2010 nung nag simula ako sa isang company, habang nag tatrabaho, hindi pa rin nawala yung pag ka gusto kong mag artista.

(Year 2009)

(Year 2009)

(Year 2010)

(Year 2010)

Nag try din ako mag go-see for a photoshoot, kailangan chinese looking daw, alam kong hindi ako mukhang chinese pero nag try pa rin ako. Isa naman ako sa mga na pili pero ewan ko kung ano nangyari after nun hahaha.

(Year 2010, The go-see)

Nag extra din ako sa isang episode ng 'Maynila' ng GMA, extra. Masaya, oo sobrang saya ko, alam ko kasi na ito yung gusto ko.

(Year 2011)

(Year 2011)

Kaso naging busy ako sa talagang trabaho ko, unti-unti nawala yung apoy sa pangarap kong maging artista, nawalan ng pag-asa, na-isip ko din kasi na hindi naman ako mukhang artistahin, hindi ako ganun ka-guapo na mapapansin ng mga tao sa paligid, bumaba yung tingin ko sa sarili ko actually when it comes diyan sa pangarap kong pag aartista.

(Year 2012)

Mahilig ako mag pa-photoshoot (thanks kay Ate Pam, college friend, siya yung nag take niyang mga pictures ko except yung year 2007). Dumating ako sa puntong hindi na ako ganoon kainteresado sa pag aartista or pag momodelo. Na parang naiisip ko na ilusyon ko lang naman yan at hindi ko naman ata matutupad yan.

(Year 2013)

Pero nitong umuwi ako ng Manila last week, biglang nabuhay uli yung apoy ng pangarap kong yan, mas matindi, mas nag liliyab, sabi ko sa sarili ko na ito talaga yung gusto kong gawin, gusto ko maging artista, gusto ko maging katulad nung mga artistang napapanood ko sa TV/movies, alam ko hindi madali, alam ko magulo, alam ko pati mga nakaraan ko hahalungkatin kung saka-sakaling magiging celebrity ako. Pero sabi ko kakayanin ko, ito kasi talaga yung gusto kong gawin eh. Sa ngayon napapaisip na rin ako mag resign sa pinag tatrabahuhan ko para ipagpatuloy itong pangarap kong ito, alam kong hindi madali at hindi ito basta-basta lang pero gusto ko mag focus dito. Gusto ko kumanta, sumayaw, umacting... Sa ngayon hindi naman ako naghahangad na maging sikat na celebrity, gusto ko lang yung tamang celebrity lang kahit hindi main cast/character, kahit mga cameo, or commercials or sa music video eh ayos ako dun. Basta gusto ko lang eh kahit papaano eh maramdaman kong natutupad yung pangarap kong ito.

(Year 2013)

(Year 2013)

Pinag darasal ko pa rin na sana matupad itong pangarap kong ito. Gusto ko mag focus sa pangarap kong ito.

Sunday, October 4, 2015

04 Oct 2015 - Alam niya bang mahal pa rin kita?


Current mood: I don't know exactly.

Well hi there again, so nandito nanaman ako, sharing yung mga nararamdaman at nasa isip ko ngayong mga oras na ito.

Bakit ganyan title ko for today? Well, habang wala akong magawa, nakahiga, nag hahanap ng papakinggan na music, I ended up sa kantang "ALAM NIYA BA" by James Reid. This song is actually one of the very memorable songs sa akin uhmm mga dalawang taon ng nakakalipas. Nung napakinggan ko uli itong kantang ito ngayon, parang biglang nag flashback lahat, lahat ng ala-ala, lahat ng pakiramdam na naramdaman ko 2 years ago.

Bakit ko naalala uli?
Bakit ko nararamdaman uli na para bang kahapon lang nangyari lahat kahit dalawang taon na ang nakakalipas?
Bakit parang nakakaramdam ako ng magkahalong saya at kalungkutan?
Bakit parang naluluha ako?
Bakit parang nanginginig pakiramdam ko?
Bakit parang sumasakit puso ko?
Bakit? Bakit?

2 years na, hindi pa rin ba ako ayos? Hindi pa rin ba ako nakaka move on? Hindi naman naging tayo, tayo yung tinatawag nilang "ex-almost" kasi wala namang "tayo" hindi naman naging official na tayo.

Alam ko sa sarili ko na okay na ako, ayos na ako, na naka move on na ako, somehow, siguro? Yata? Hindi ko na alam sa totoo lang. Okay na ako sa pagkakaalam ko, pero dumarating lang talaga yung puntong biglang mararamdaman ko uli lahat, na para bang sinasabing hindi pa ako okay.

Mga panahon na bigla kong maiisip paano kung isang araw magkita tayo ng hindi sinasadya? Ano mararamdaman ko? Ano gagawin ko? Kakausapin ba kita? Ngingitian ba kita? Iiwasan ba kita? Magpapanggap na hindi kita nakita or napansin? Ang alam ko lang, kada naiisip ko yan, bumibilis tibok ng puso ko, lumalakas kabog ng dibdib ko, parang bumabagal mga nasa paligid ko.

Oo, hanggang ngayon aaminin ko, dumarating ako sa puntong nakakaramdam pa rin ako ng sakit, ng kalungkutan, ng mga katanungan na gusto kong itanong pero hindi ko alam saan sisimulan, madami akong "what if".

Bakit parang hindi ako makawala sa ala-ala mo?
Bakit parang hindi na kita makakalimutan?
Bakit parang mahal na mahal pa rin kita?
Bakit dumarating pa rin yung mga oras na hinahanaphanap kita?

Gusto ko ng makawala mula sa mga ala-ala mo.
Gusto ko ng makalimutan ka ng tuluyan.
Gusto ko na makapunta sa panahon na kung sakaling maiisip kita eh balewala na lang lahat sa akin.
Gusto ko na dun sa panahong kada kukumustahin ako, hindi ka kasama sa mga itatanong sa akin.
Gusto ko na dun sa panahong makarinig ako ng kahit anong tungkol sa'yo eh wala na akong pakielam.
Gusto ko na dun sa panahong 100% masasabi kong okay na ako, dun sa panahong ako na uli ito, dun sa panahong buong-buo na uli ako na walang nararamdamang kakulangan dahil wala ka.

Friday, October 2, 2015

02 Oct 2015 - Hindi pa siguro panahon

Yesterday I went out to buy some things that I need, mga kailangan sa a-applyan ko sa Kuala Lumpur bilang cabin crew, kulay puti yung suit ko, kailangan ko kulay itim so nag punta ako ng mall para bumili ng suit na itim, tapos lahat ng neckties ko naiwan sa apartment ko sa Cebu so bumili ako ng necktie, and bagong black shoes. Buti na lang may mga polo ako dito sa bahay sa Manila. Before ako makarating sa mall the rain fell so hard buti nalang nasa sasakyan na ako, I don't have umbrella with me. Parang pakiramdam ko nung time na yan eh ayaw ako paalisin.

Today, I went to studio to have a picture, it usually take 30 minutes or less, but what happened was their printer got a problem that it took me 2 hours of waiting.

I don't have a printer, and I don't have a printout of some of my documents so while waiting for my pictures to be printed, I look for a computer shop, the documents that I need to be printed out is in my phone, however the computer shop doesn't have bluetooth or card reader, second computer shop, it took me 10 minutes just for 5 documents. Then I went back to photo studio.

Looking for a ride going to terminal 3, all taxis were occupied, the last vacant taxi at 3:15PM just passed me by.

Almost 2 hours ang biyahe papuntang NAIA terminal mula bahay kasama pa ang traffic.
4:20PM close ng counter para sa 5:05PM na last flight papuntang Kuala Lumpur.
Hindi na ako aabot para makapag ID90, pipila pa ako sa Philippine Travel Tax counter, Terminal Fee counter at Immigration. So hindi na talaga ako aabot. October 3 2015 yung interview, 9AM-11AM.

Maybe God has a different plan for me.