I AM FREE OF THE PAST
"What you need to know about the past is that no matter what has happened, it has all worked together to bring you to this very moment. And this is the moment you can choose to make everything new. Right now." -unknown
Sunday, October 4, 2015
04 Oct 2015 - Alam niya bang mahal pa rin kita?
Current mood: I don't know exactly.
Well hi there again, so nandito nanaman ako, sharing yung mga nararamdaman at nasa isip ko ngayong mga oras na ito.
Bakit ganyan title ko for today? Well, habang wala akong magawa, nakahiga, nag hahanap ng papakinggan na music, I ended up sa kantang "ALAM NIYA BA" by James Reid. This song is actually one of the very memorable songs sa akin uhmm mga dalawang taon ng nakakalipas. Nung napakinggan ko uli itong kantang ito ngayon, parang biglang nag flashback lahat, lahat ng ala-ala, lahat ng pakiramdam na naramdaman ko 2 years ago.
Bakit ko naalala uli?
Bakit ko nararamdaman uli na para bang kahapon lang nangyari lahat kahit dalawang taon na ang nakakalipas?
Bakit parang nakakaramdam ako ng magkahalong saya at kalungkutan?
Bakit parang naluluha ako?
Bakit parang nanginginig pakiramdam ko?
Bakit parang sumasakit puso ko?
Bakit? Bakit?
2 years na, hindi pa rin ba ako ayos? Hindi pa rin ba ako nakaka move on? Hindi naman naging tayo, tayo yung tinatawag nilang "ex-almost" kasi wala namang "tayo" hindi naman naging official na tayo.
Alam ko sa sarili ko na okay na ako, ayos na ako, na naka move on na ako, somehow, siguro? Yata? Hindi ko na alam sa totoo lang. Okay na ako sa pagkakaalam ko, pero dumarating lang talaga yung puntong biglang mararamdaman ko uli lahat, na para bang sinasabing hindi pa ako okay.
Mga panahon na bigla kong maiisip paano kung isang araw magkita tayo ng hindi sinasadya? Ano mararamdaman ko? Ano gagawin ko? Kakausapin ba kita? Ngingitian ba kita? Iiwasan ba kita? Magpapanggap na hindi kita nakita or napansin? Ang alam ko lang, kada naiisip ko yan, bumibilis tibok ng puso ko, lumalakas kabog ng dibdib ko, parang bumabagal mga nasa paligid ko.
Oo, hanggang ngayon aaminin ko, dumarating ako sa puntong nakakaramdam pa rin ako ng sakit, ng kalungkutan, ng mga katanungan na gusto kong itanong pero hindi ko alam saan sisimulan, madami akong "what if".
Bakit parang hindi ako makawala sa ala-ala mo?
Bakit parang hindi na kita makakalimutan?
Bakit parang mahal na mahal pa rin kita?
Bakit dumarating pa rin yung mga oras na hinahanaphanap kita?
Gusto ko ng makawala mula sa mga ala-ala mo.
Gusto ko ng makalimutan ka ng tuluyan.
Gusto ko na makapunta sa panahon na kung sakaling maiisip kita eh balewala na lang lahat sa akin.
Gusto ko na dun sa panahong kada kukumustahin ako, hindi ka kasama sa mga itatanong sa akin.
Gusto ko na dun sa panahong makarinig ako ng kahit anong tungkol sa'yo eh wala na akong pakielam.
Gusto ko na dun sa panahong 100% masasabi kong okay na ako, dun sa panahong ako na uli ito, dun sa panahong buong-buo na uli ako na walang nararamdamang kakulangan dahil wala ka.
Labels:
Alam Niya Ba,
James Reid
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment