Sunday, December 6, 2015

07 Dec 2015 - Salamat sa limang taon


Current Mood: Malungkot, Masaya, Excited, Medyo natatakot

Well hi there again, it's been a while since I updated this "Me Today" part of my blog.

So kumusta nga ba ang today ko? Well, today officially ends my career in the airline industry, for this year. I am not sure yet if itutuloy ko ba ang airline career uli next year. Aba, naka limang taon ako sa industriyang ito. Maraming nakilala, mga naging kaibigan, dito lalong lumawak yung kaisipan ko.

Working in the airline industry hmmm sobrang masaya eh, iba-iba, basta halos lahat mararamdaman mo dito. Nakakastress paminsan minsan lalo na pag yung mga pasahero eh nagagalit sila sa'yo dahil sa bagay na hindi naman ikaw ang may gawa. Wala kang ibang magawa kundi ang intindihin nalang sila sapagkat madalas nagagalit sila sa mga bagay na hindi nila nauunawaan.

Nasubukan kong maging ground attendant for 1 year, masaya oo, kaso dumating ako sa puntong napagod ako, nagsawa, madaming factor eh, minsan dumarating ako sa puntong ambaba ng tingin ko sa sarili ko dahil sa mga pasaherong bastos at walang modo na akala mo nabili nila ang buong pagkatao ko. Isa din sa mga factor ng pagka stress ko eh yung naging boss ko haha yes you've read it right, being in the stressful department and having a stressful boss is too much. Pinili kong umalis ng maluwag sa loob ko dahil alam kong mas sasaya pa ako at may mahahanap pa akong ibang trabaho, kahit gaano ko kamahal ang airline industry, mas mahal ko pa rin ang sarili ko.

Salamat sa limang taon, salamat sa mga taong nakilala at nakasalamuha ko. Salamat sa lahat lahat.

Sa ngayon gusto ko mag focus sa matagal ko ng pangarap simula pa noon.

No comments:

Post a Comment