Thursday, February 2, 2017

02 Feb 2017 - Love and Fear



current mood: 80% happy and in love, 20% fear. 

Technically, I am already 6 years single. All my past relationships were failed. The last time I had my heart broken was 2013, so it is 4 years ago.

I decided that time that nope, I won't be in a relationshit anymore, oo,  relationshit, kasi ako lagi iniiwan at niloloko. focus na lang sa pangarap at travel. 

kaso may mga bagay talagang hindi maiiwasan at biglang darating ng di mo inaasahan, yes, nahulog at patuloy na nahuhulog ako ngayon sa pag-mamahal ko sa'yo. Mabilis lahat. pero masaya ako. masayang masaya. 

Pero kasabay ng kasiyahan at pagmamahal na nararamdam ay ang takot, takot na baka maulit lang uli, masaktan ako, iwan ako, ipagpalit ako, pagsawaan ako. natatakot ako, pero sumusugal uli ako ngayon. Umaasang this time, right time, right love with the right person na 'to. binuksan ko uli yung sarili ko para sa'yo. 

dati nakikita ko lang sarili ko sa mga plano ko sa future, ngayon kasama ka na din sa mga nakikita ko.

pag pasensiyahan mo sana ako kung sakaling mabilis ako mag selos, sa mga nangyari kasi sakin, ayoko na maulit pa uli yung mga yun, takot na ako mawalan, masaktan at iwan.

Seloso ako, pero hinding hindi ko gagawin dahilan ang pagseselos para awayin ka, ayoko ng nang aaway, gusto ko payapa lang tayo sa relasyon natin, masaya lang, chill lang, alam kong darating at darating yung mga araw na mag seselos ako ng sobra sobra na halos sasabog na puso ko, lambingin mo lang ako, i-assure mo lang sakin na akin ka lang at ako lang sa buhay mo. hindi ako marunong magalit, lambingin mo lang ako. 

though hindi pa official na tayo, pero soon magiging tayo din, at least alam kong exclusive lang tayo sa isa't-isa at wala ng iba.

Pangako ko sa'yo, dito lang ako para sa'yo, mamahalin ka ng buong-buo, and loyal. Hinding hindi ako gagawa ng kahit anong ikakagalit mo, ikaiinis mo or ikaseselos mo.  lalambingin kita palagi,  aalagaan, liligawan habang buhay. 

I love you so much ABC. 

No comments:

Post a Comment