Monday, March 21, 2016

21 Mar 2016 - Trekking | Happiness | Pain | Relationship | Moving On


What I learned about yesterday's trekking going to Cavinti falls...

First time kong mag trek ng ganun kahaba, ang daming ups and downs, may patag na madadaanan na hindi nakakapagod, may pababa na nakakatakot na baka bigla ka dumulas, may makikitid na tapakan pababa na kailangan ng sobrang pag iingat kung ayaw mong dumulas pababa at mabagok ang ulo mo, mga paakyat na sobrang nakakapagod na tatagaktak ng sobra ang pawis mo.

Pero after that trekking papunta sa main purpose mo, nakakatuwa, masaya sa pakiramdam yung falls, yung tunog ng pagbagsak ng tubig, yung lamig ng tubig, yung peace, calm and serenity na mararamdaman mo. Lahat ng pagod mo sa pag punta eh nawala na lang bigla, hindi mo na naisip at hindi mo na ramdam, naka focus ka nalang sa falls. Ang ganda. Nasubukan ko din mismo sa ilalim ng falls, ang lamig ng tubig, ang sarap sa pakiramdam kahit malakas ang bagsak sa'yo ng tubig na medyo masasaktan ka, na makakaramdam ka ng kakulangan sa paghinga na parang nalulunod ka. hindi ko alam pero may kung anong saya sa puso ko kahit na nasasaktan ako sa bagsak ng tubig, sa coldness nito, at kahit medyo mahirap huminga, napasaya ako nito. Gustuhin ko man mag tagal sa ilalim ng pag bagsak ng tubig nito, alam kong darating ako sa puntong hindi ko kakayanin, mapapagod ako sa pagsalo ng malakas at masakit na bagsak ng tubig nito, giginawin ako sa lamig na ipadadama nito, hahanap at hahanap ako ng way para mas makahinga ako ng maayos mula sa tubig na bumabagsak sakin. Pero after nun, pag dumistansya ka sa falls, masasabi mo pa rin na masarap sa pakiramdam, at meron sa puso mong nag sasabing "gusto ko pa ulit." na habang pinagmamasdan mo ang falls, masasabi mo pa rin na masaya, sobrang saya.

Pero gaya ng mga ibang bagay, kailangan mo mag paalam, walang forever sabi nga nila. Ito na yung mahirap na part na naranasan ko sa trekking na 'to, yung pag baba papunta sa falls nakakapagod, pero yung pabalik na ang mas nakakapagod, yung tatahakin mo uli yung daan na dinaanan mo pabalik sa totoong mundo mo, yung paakyat, yung sa bawat daan na madadaan mo eh makakaramdam ka ng sakit, hirap at pagod. Yung bawat daan eh masasabi mong hindi naman ganito kahirap itong daan na ito nung pumunta ako, pero bakit ngayon ang hirap na? Parehas lang naman ng daan ang tinahak ko papunta at pabalik, parehas lang ng layo, pero yung pag balik talaga ang mahirap, mapapagod ka ng sobra, gusto mo nalang sumuko bigla sa paglakad at pag akyat. Mapapagod ka, makakaramdam ka ng pagka manhid, pero kailangan mo lang ay ang mag pahinga saglit para makahinga sa pagod ng pagbalik sa talagang buhay mo, magpahinga ka pag napagod ka, hindi mo pwedeng pwersahin ang sarili mong magdire-diretso kasi baka mas masaktan ka lang, mag pahinga ka, makakabalik ka rin.

After ng mas nakakapagod na pagbalik, masaya sa pakiramdam uli, sa wakas, nagawa ko makabalik. Masaya pero may sakit na nararamdaman. Ang pinagkaiba nito sa pagpunta sa falls eh yung pagod mo papuntang falls nawala bigla nung nakarating ka na, pero itong pag balik, yung pagod mo may kasamang pagsakit ng mga binti. Pero kahit masakit, ang importante, nagawa ko makabalik.

ngayon isang araw makalipas, andun pa rin yung sakit na nararamdaman ko sa muscle ng mga binti ko. Masakit pa rin siya. Oo, hindi naman kasi basta basta mawawala ang sakit na mararamdaman mo, bakit nga ba parang mahaba yung feeling of pain kesa sa feeling of happiness? Yung kasiyahan mong naramdaman ng ilang oras sa harap ng falls na ngayon ay ala-ala nalang na nag papasaya sa'yo, pero yung sakit na hanggang ngayon ramdam na ramdam mo na akala mo kanina lang nangyari lahat. Masaya, pero masakit.

Ngayon, gugustuhin ko pa ba uli sumubok sa iba kahit alam kong may possibilities na ganito uli mangyari? Gusto ko, pero hindi muna ngayon, kailangan ko muna makabawi sa sarili ko, hanggang mawala yung sakit na nararamdaman ko, hanggang makaya kong harapin uli ang takot at pagod na mararanasan ko. Susubok uli ako, pero pag ayos na ako.

Tuesday, January 26, 2016

27 Jan 2016 - Relationship and Commitment


Current mood: Neutral. Hindi gaanong malungkot, hindi gaanong masaya, relax lang, kalmado.

Relationship and commitment...

Actually matagal ko ng gusto i-share ito, kung ano ba talaga yung side ko when it comes to relationship. Medyo mahirap siya i-share not because ayaw ko, but because ang dami kong naiisip na gusto kong i-share pero pag isusulat ko na eh nawawala or naiiba, minsan nga gusto ko nalang i-video. Pero I will try my best na maisulat dito lahat...

2016 na, 5 years na akong single.
Yes, limang taon na.
May mga nag tatanong, sa 5 years na yan eh hindi ba ako nainlove?
Well, yes nainlove naman ako pero hindi naging kami. 2013 yung pinaka huling nainlove ako ng sobra sobra sa taong hindi ko naman naging karelasyon, tamang mutual understanding, pero hindi talaga pwede.

2015 buong taon na yan masasabi kong totally moved on na talaga ako, nabago na gusto ko sa buhay. More on nature na nakahiligan ko, gusto ko nalang gawin eh mag beach ng mag beach.



May mga nag tataka din, mahilig ako mag post sa Instagram, Facebook at Twitter ng mga kanta, quotes or kung anu-anong nararamdaman ko. Halos everyone eh they are connecting it to "love", nope, definitely not. Either nakikinig lang talaga ako ng music at trip ko ipost ang lyrics, may napanood akong kadramahan or kung anong tungkol sa pag-ibig, may nabasang quotes na nagustuhan ko. Pero hindi porke pinost ko eh ibig sabihin eh tungkol na agad sakin at sa lovelife ko yun. NO!

To tell you honestly, hindi ako nag hahanap ng lovelife or romantic relationship, hindi dahil sa hindi pa ako nakaka move on (nakakairita rin minsan yung mga taong nagmamarunong at sinasabing hindi pa ako nakakamove on, hoy punyeta kayo, kayo ba ako? Kayo ba nakakaramdam ng nararamdaman ko? Hindi naman di ba?) It's just that hindi lang talaga ako nag hahanap, hindi na siguro kasi ako naniniwala na may taong seryosong katulad ko, yung taong seseryoso sakin. Oo, minsan naiisip ko parang ang sarap ng merong karelasyon, dumadaan naman ako sa mga araw na naiisip ko yan.

May hinahanap ba ako para sa susunod na taong mamahalin ko at magmamahal sakin? Takot na ba ako pumasok uli sa relationship?

Ako yung tipo ng tao na pabago-bago ang isip, madami akong ayaw at gusto, may mga moods ako na bigla bigla nag babago at yun ang ikinakabahala ko na aayawan sakin ng taong susunod kong mamahalin.

Kung papasok ako uli sa isang relationship, gusto ko yung sigurado na talaga, yung masasakyan namin parehas ang mood ng isa't-isa. Ako yung taong ayoko ng pakiramdam ko nasasakal ako or pinaghihigpitan ako, commited naman akong tao when it comes to relationship, ayoko lang talaga yung hindi ko na magagawa yung mga normal kong ginagawa just because may taong pumipigil sakin, hindi ako two-timer so walang dapat ikabahala, may mga mood ako na gusto ko mapag-isa at sana maintindihan yun ng kung sino mang darating sa buhay ko. Super sweet akong tao, madalas kung anong kasweetan ang ginagawa ko gusto ko kusang binibigay at pinaparamdam din sakin, hindi ako yung taong sasabihin ko na gawin mo 'to, gawin mo yan, MAKIRAMDAM KA NAMAN NO!

Ideal relationship ko:
Yung masasakyan katopakan ko, yung mood swings ko, yung kasungitan ko, yung pagkaseloso ko.
Yung makakabiruan ko at makakaasaran ko, yung kayang makasabay sa kakulitan at kabaliwan ko.
Yung maiintindihan ako pag biglang gusto ko muna mag-isa.
Yung travel buddy na rin.
Yung malaya pa rin ako magagawa ang mga bagay bagay na hindi ko iisipin na magagalit yung karelasyon ko kasi naiintindihan niyang commited ako sa kanya at siya lang. 

Gusto ko pa i-explain yang pang huli na yan baka kasi isipin ng ibang makakabasa eh pagloloko ang ibig sabihin niyan, jusme huwag makitid ang utak! I've been into a relationship before kasi na ultimo pag labas ko kasama ang mga kaibigan ko eh pinagseselosan, yung tipong day off at pumunta ako saglit sa grocery store eh pag iisipan ako ng masama. Nakakasakal, hindi ako makakilos ng tama. Gusto ko yung tipong hindi man ako makapag reply agad, masagot ang tawag eh hindi ako pag iisipan ng masama na may ginagawang kalokohan. Jusme hindi ako ganung klaseng tao. Ayoko ng kinokontrol 100% ng gagawin ko. Huwag ganon, hindi ako puppet or robot.


Para sa darating kung meron man, I'm sure mahihirapan tayo parehas kasi hindi ako basta-basta nag papapasok sa buhay ko, mas gusto ko pa mag travel, pero ito lang masasabi ko, we will be the best travel buddies, we can do our things together and separately or independently, you will have your own "me time" if you want to, and I will assure to you that I am loyaly commited to you. And I hope maging ganyan ka rin sakin. Lets just be happy together, maging malaya tayo sa isa't-isa, yung may mga oras tayo na parang "hindi tayo kahit tayo" gets mo ba yan? Basta yung masaya lang, yung freely happily commited with each other.


Monday, January 25, 2016

25 Jan 2016 - Quarter life crisis | I don't understand anymore


Current mood: down, confused

Hi everyone, today I passed my final job interview for Quality Analyst post in a company, yey! I should be so freaking happy right? Because I have a new job, new working environment, I will earn good salary, but why is it that I'm not happy???

Kanina after the interview when the manager said that pumasa ako eh hindi ako masaya, maganda yung bigay ng salary, may position sa company, so dapat sasabog yung puso ko sa sobrang kasiyahan di ba? Pero hindi eh, baliktad, hindi ako masaya, nag dadalawang isip ako pumirma ng contract, nag dadalawang isip ako sa trabaho.

Parang may gusto akong trabaho na magawa or makuha pero hindi ko talaga alam kung ano, may hinahanap pa yung puso ko siguro na trabaho, nag bago na nga siguro yung gusto kong field ng work? Ewan. Gusto ko ba talaga mag trabaho? Ano ba gusto kong gawin sa buhay? Hindi ko alam, nalilito na akonsa gusto kong gawin sa buhay.

Dumarating ako sa puntong biglang gusto kong umiyak at hindi ko alam kung bakit, gusto kong sumabog sa kalungkutan. May gusto akong gawin pero hindi ko talaga alam. :(

Gusto ko mapag-isa, gusto ko lumibot muna sa ibang lugar, gusto ko makapg isip-isip, gusto ko pa makilala ang sarili ko, kasi sa mga nangyayari ngayon, I FEEL LOST. At hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung ano na gusto ko, ito nga ata yung tinatawag nilang QUARTER LIFE CRISIS.


LOVE

Pag dating sa usapang love, 5 years na po akong single, at naiinis ako minsan pag pinagpipilitan ng ibang tao na "LOVE" lahat ng nararamdaman ko, I mean for example mag popost ako ng lyrics ng music, quotes, or anything, lahat kinokonekta sa love, pwede bang out of nowhere lang talaga yun at walang kinalaman sa love? Dumadaan ako sa "QLC" (Quarter Life Crisis) at yun yung alam kong dahilan kung bakit halo-halo nararamdaman ko.

I'm not looking for love, kung may darating edi good. Kung wala eh ayos lang.

Hindi na rin ako naniniwala sa love pag dating sa sarili ko.

Kung sakaling meron mang darating, hindi ko alam kung ano mangyayari, basta ang alam ko masaya naman ako sa sarili ko, oo naiisip ko minsan yung about love, kaso mas nangingibabaw yung pakiramdam na okay naman akong mag-isa.

So generally, to sum it up, nalilito pa talaga ako sa gusto kong gawin sa buhay ko, napapatanong ako kung ano ba talaga yung magiging ako balang araw. Basta ang gulo gulo pa ng isip ko, sana maunawaan ko na ang mga bagay bagay. Haaaaaaayaaayyyy

Saturday, January 23, 2016

24 Jan 2016 - saying goodbye to uncomfortable feelings


Current mood: feeling happy, magaan sa pakiramdam

Now listening to: Waterbed by The Chainsmokers featuring Waterbed

Today I woke up with the feeling of letting go of everything that makes me feel uncomfortable. Some worth unfollowing, some better unfriended.

Finally, nagkaron din ako ng final decision to unfriend and unfollow people who makes me feel uncomfortable, sila yung mga taong sinusubukan kong i-maintain yung good relationship, sending them some message just to keep in touch sana pero mas pinili nilang wag mag respond at iignore ako. Well then fine, I know now where's my place pag dating sa kanila.

I just don't want to stress myself anymore sa mga bagay na hindi ko naman dapat ikinaka stress.

May mga bagay talagang masaya at magaan sa pakiramdam pag tinatanggal mo. Ayoko na matakot, ayoko na isipin kung anong iisipin ng iba, ayoko na mag explain ng mga bagay na ayaw kong i-explain, sabi nga nila "learn to say no without explaining your self".

Friday, January 8, 2016

09 Jan 2016 - Pangarap


Year 2007 nung sinimulan kong umpisahan ang pag tupad sa gusto kong gawin sa buhay, yun ay ang pag aartista, pag acting and everything in the show business na nakikita kong ginagawa ng mga celebrities/artista.

Nagtuloy-tuloy kahit papano hanggang year 2010.

Mahirap sa isang tulad ko kasi hindi ako ganun kagwapuhan, hindi ako artistahin na pag nakita mo eh agaw eksena talaga kasi artistahin, Hindi. Sobrang payat ko nung mga panahong yan. Mahirap kasi stand-alone, I mean, I don't have a handler or manager na mag mamanage sakin at makakakuha ng mga projects para sakin.

Year 2010 din nung nag ka work na talaga ako outside the lime light, wala sa harap ng camera, then yung ibang mga kasabayan kong talents nung 2010 nag tuloy-tuloy, hanggang ngayon.

Ngayon gusto ko uli bumalik sa industriyang ito, and yan yung balita sakin. Napaisip ako...

Paano kaya kung di ako huminto nung 2010, anong estado ko kaya ngayon? Kung itinuloy-tuloy ko kaya ang pag aartista nung 2010, may mga projects na kaya ako ngayon?

Gusto ko ituloy tuloy uli ito. Sana maging maayos at mag tuloy tuloy na nga. Sana po.

Monday, January 4, 2016

04 Jan 2016 - Balang araw, ako naman


Balang araw, ako naman.

Ako naman yung mamahalin.
Ako naman yung iiyakan.
Ako naman yung iingatan,
Hindi sasaktan at hindi iiwan.

Balang araw, may magsusulat din tungkol sa'kin.
Yung tipong nag-uumapaw din ang kanyang damdamin.
Huhugot din siya ng sobrang lalim.
Hihilingin niya rin ang pagmamahal ko, maging sa hangin.

Wala ng halong laro o bola.

Purong damdamin na at wala ng boka.

Mararanasan ko din yung pagmamahal na kaya kong ibigay sa iba.
Balang araw,
Ako naman.
Ako lang...
AKO na.

-Anonymous


Nakita ko lang yan online and hindi ko alam kung kanino originaly nanggaling. nirepost ko kasi nagustuhan ko and naka relate ako.