Monday, January 25, 2016

25 Jan 2016 - Quarter life crisis | I don't understand anymore


Current mood: down, confused

Hi everyone, today I passed my final job interview for Quality Analyst post in a company, yey! I should be so freaking happy right? Because I have a new job, new working environment, I will earn good salary, but why is it that I'm not happy???

Kanina after the interview when the manager said that pumasa ako eh hindi ako masaya, maganda yung bigay ng salary, may position sa company, so dapat sasabog yung puso ko sa sobrang kasiyahan di ba? Pero hindi eh, baliktad, hindi ako masaya, nag dadalawang isip ako pumirma ng contract, nag dadalawang isip ako sa trabaho.

Parang may gusto akong trabaho na magawa or makuha pero hindi ko talaga alam kung ano, may hinahanap pa yung puso ko siguro na trabaho, nag bago na nga siguro yung gusto kong field ng work? Ewan. Gusto ko ba talaga mag trabaho? Ano ba gusto kong gawin sa buhay? Hindi ko alam, nalilito na akonsa gusto kong gawin sa buhay.

Dumarating ako sa puntong biglang gusto kong umiyak at hindi ko alam kung bakit, gusto kong sumabog sa kalungkutan. May gusto akong gawin pero hindi ko talaga alam. :(

Gusto ko mapag-isa, gusto ko lumibot muna sa ibang lugar, gusto ko makapg isip-isip, gusto ko pa makilala ang sarili ko, kasi sa mga nangyayari ngayon, I FEEL LOST. At hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung ano na gusto ko, ito nga ata yung tinatawag nilang QUARTER LIFE CRISIS.


LOVE

Pag dating sa usapang love, 5 years na po akong single, at naiinis ako minsan pag pinagpipilitan ng ibang tao na "LOVE" lahat ng nararamdaman ko, I mean for example mag popost ako ng lyrics ng music, quotes, or anything, lahat kinokonekta sa love, pwede bang out of nowhere lang talaga yun at walang kinalaman sa love? Dumadaan ako sa "QLC" (Quarter Life Crisis) at yun yung alam kong dahilan kung bakit halo-halo nararamdaman ko.

I'm not looking for love, kung may darating edi good. Kung wala eh ayos lang.

Hindi na rin ako naniniwala sa love pag dating sa sarili ko.

Kung sakaling meron mang darating, hindi ko alam kung ano mangyayari, basta ang alam ko masaya naman ako sa sarili ko, oo naiisip ko minsan yung about love, kaso mas nangingibabaw yung pakiramdam na okay naman akong mag-isa.

So generally, to sum it up, nalilito pa talaga ako sa gusto kong gawin sa buhay ko, napapatanong ako kung ano ba talaga yung magiging ako balang araw. Basta ang gulo gulo pa ng isip ko, sana maunawaan ko na ang mga bagay bagay. Haaaaaaayaaayyyy

No comments:

Post a Comment